Can someone please translate "Kaibigan" by Apo Hiking Society into English?

  • Thread starter Thread starter Gene
  • Start date Start date
G

Gene

Guest
Kaibigan, tila yata matamlay ang iyong pakiramdam
At ang ulo mo sa kaiisip ay tila naguguluhan
Kung ang problema mo o suliranin ay lagi mong didibdibin
At tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa


Iniwanan ka ng minahal mo sa buhay mo at nabigla, sinamba mo siya
Binigyan mo ng lahat at biglang nawala
Ang buhay mo alalahanin at 'wag naman maging maramdamin
At tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa



Kasama mo ako at kasama rin kita
Sa hirap at ginhawa
Ako'y kabagay mo at may dalang pag-asa
Limutin siya, limutin siya
Marami, marami pang iba


Kaibigan, kalimutan mo na lang ang nakalipas
Kung nasilaw siya napasama sa iba't napaibang landas
Marami pang malalapitan mababait at di pihikan
At tatanda kang bigla pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa


Thank you!!
 
Back
Top